alam nyo bang mas gugustuhin ko pang buwan ng hunyo ako isinilang? bakit kamo? eh kasi ba naman, sa tatlong dekada kong nagdiriwang ng kaarawan, laging konti ang natatanggap kong regalo!!!
katwiran ng iba, lalo na ng mga magulang ko, yung regalo ko daw nung pasko at bday ko, pinag-isa na nila! tama ba naman yun? iba naman ang pasko sa bday ko di ba? makatarungan ba naman yun? pasko, araw ng pagsilang ni hesukristo, enero otso, araw naman ng pagsilang ko... sus guinoo!!!
kung pwede nga lang baguhin ang birthday, gagawin ko!!!
hay naku, what to do... wala naman akong choice... natagalan kasi bago ako binuo ng mga magulang ko eh... hehehe...
pero kung iisipin, masaya naman...christmas, after a week, new year, after a week, birthday ko na naman....
Comments