birthday ko ngayon....
sa mga nambwisit at nang-asar, salamat...
sa mga nakaalala pero walang gift, salamat din...
sa mga nakaalala at may gift, salamat naman...
sa mga kaibigan ko at kaanak na deadma lang, pasalamat kayo out of reach kayo...kundi, isang flying kick ang matatamo nyo....
30 years old na pala ako... kahapon, tinanong ako ng boss ko, ilang taon na daw ba ako...sagot ko, OLD ENOUGH!!! Akalain mo nga naman, kay bilis ng panahon... sino ba naman ang mag-aakala na sa ganitong edad, single pa rin ako... hehehehe... Ngayon, kahiya-hiya ng umamin ng edad sa madlang people... kahiya-hiya na ring sabihin na hindi pa rin ako kasal... kahiya-hiya na ring sabihin na wala pa sa six digits ang ipon ko... kahiya-hiya na rin na minsan, asal bata pa rin ako.... kahiya-hiya na rin na makihalubilo sa mga teenager kong mga pinsan... akala kasi ng ibang tao, tiyahin nila ako.... hay, what a life...
for three decades of existence, marami na rin akong nakilala... marami na rin akong nasaktan... marami na rin akong kinulit... marami na rin akong inasar... marami na rin akong binitiwan ng pangako na hindi ko tinupad... kung may pinagsisisihan man ako sa buhay ko, yun ay ang mga panahon na nakasakit ako ng ibang tao... kaya nga naman hindi ko masisisi si Dear God kung mya trying times ako, kung may mga taong nanakit rin sa akin ng sobra sobra... pero wala yun, forgive and forget na lang... leave everything behind at salubungin ang bagong pag-asa...
sana this year, matuloy na rin ang plano namin ni P na mamuhay na ng tahimik... sana walang kokontra... sana magka mini-me na ako!!!
ano ba yan, sabi nga ni P, 12 midnight kanina, best actress na naman ako!!! Sana sa mga susunod na araw, hindi na friendster or chat ang pag aawayan namin... kundi ang design ng wedding ring o kung titigil ba ako sa work once na makabuo na kami...let's see... who knows....
to everyone who stood by me even when the going gets tough, i'm so happy that you guys were part of my life... and i hope that i touched your lives just as i have touched your lives too....
thanks everyone and thank you Lord for all the blessings.
thanks to my mom sa pang-unawa...
thanks to P sa pasensya kahit na nauubusan ka na ng red blood cells sa pagiging stubborn ko...
thanks to my relatives and friends who didn't judge me for all the stupid things i did in my life in the past... sa sobrang dami ng kapalpakan ko, ayoko ng balik-balikan...gusto ko ng ibaon sa limot......
Comments