(late post)
i'm a self confessed SURVIVOR FAN... at siyempre hindi ko pinalampas ang Survivor Philippines... out of the 18 cast aways, bet ko talaga si Gigit, Nanay Zita and Kiko...
una na ngang naalis si gigit...dalawa na lang ang natitira sa bet ko...
No. 1 sa primetime, nagiging phenomenal na ang SP at patindi na rin ng patindi ang mga episodes....may betrayal, may deceit.... lumalabas na ang tunay na kulay ng mga cast aways... come on, let's face it, lahat naman sila, gagawin ang lahat just to take home that 3M... kahit pa sirain ang image on national television... i just wish him luck... lahat naman ng itinanim, be it good or bad, yun din ang aanihin...
i knew it was coming... alam kong si kiko ang matatanggal at hindi si marlon... bakit? itanong kaya natin kay cris at kaye...pamato nga ba kayo ng naak or gusto lang ni kiko na patatagin ang alliance at matira lahat ng naak??? isa lang ang mananalo pero sana you should have sticked to the original plan... ubusin ang jarakay... yun lang yun...
i'm so sorry, medyo nagiging emotional lang ako kasi hindi yata nakikita nila kaye and cris ang gustong mangyari ni kiko...is it really hard to comprehend na wala siyang masamang intensyon sa plano nya? i'm not being bias here pero ako, bilang tagasubaybay ng survivor, NAIINTINDIHAN ko si kiko... si nanay zita, experienced na yan sa buhay, tingin ninyo magagawa ni kiko na manipulahin siya? hindi di ba? alam niyang para sa ikabubuti ng naak yun...
now what, nabuwag na nga ang alliance ng naak tribe... wala na rin si kiko... you consider him as a threat at ngayong naalis na siya, wala na yang alliance na yan sa naak... just play the game... let's see kung sino ang matatag, mautak and magaling...
true to his word, kiko played the game as fairly as he can, without compromising the principles he stands for. but as a saying goes, you can't please everybody...
nanay zita, ikaw na lang ang bet ko na natitira...good luck and be strong... for the evil forces are much stronger now....
Comments